Pangangampanya sa loob ng piitan, kinakailangang dumaan sa proseso; 50 PDLs naman sa Tigaon District Jail, natakdang bomuto ngayong 2023 BSKE

NAGA CITY – Kinakailangang dumaan pa rin sa proseso o magrequest ng pagpayag ang mga kandidatong mangangampanya sa loob ng piitan ngayong nasa campaign period na para sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Election 2023.

Ito ang napag-alaman kay JCINSP Ralph Vincent Bobis, Jail Warden sa Tigaon District Jail, Tigaon, Camarines Sur.

Aniya, paraan rin kasi ito ng pag-iingat at seguridad dahil nga maging health protocol, ipinapatupad pa rin, hanggat maaari kasi inaalam pa rin kung bakuna na ang lahat ng mga bumibisita lalo na ang mga kandidato.

Kung saan limitado pa rin ang physical contact, na kung magpepresent aniya sila ng kanilang mga plataporma may distansya pa rin o sa pamamagitan ng video presentation.

Nasa 50 mga persons deprived of liberty o PDL sa naturang piitan ang nakatakdang boboto, kung saan ang mga kandidato sa Barangay Mabaludbalod ang kanila nang iboboto at hindi na sa barangay kung saan sila nakatira.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *