Panganiban, pinagbibitiw ng isang mambabatas dahil hindi umano nagagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin sa BPI

Pinagbibitiw ni SAGIP Party-list. Rodante Marcoleta ang tinawag niyang panganib na si Bureau of Plant Industry (BPI) Director General Glenn Panganiban.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on agriculture ukol sa hoading at price manipulation ng sibuyas, ginisa ni Marcoleta ang BPI lalo na si Panganiban na hindi umano nagagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin.

Ito umano ang dahilan kaya hindi natututukan ang supply ng sibuyas na nauwe sa pananamantala.

Bukod sa BPI, dalawa pang ahensiya ang pinamumunuan  ni Panganiban na ayon kay Marcoleta,  iisa lang ang humahawak sa tatlong importanteng ahensiya na dapat ay nagtitiyak ng food security sa bansa.

Babala pa ng mambabatas na kapag nakausap niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siyang agriculture secretary din,  ay babanggitin niya ang mga isyu laban kay Panganiban.

Bigo namang maidepensa ni Panginban ang sarili matapos hidni makadalo sa pagdinig dahil sa isang official function sa Rome, Italy.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *