NAGA CITY – Huli sa CCTV, ang panghohold-up ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang parmasya sa Panganiban Drive, Naga City.
Sa inisyal na imbistigasyon ng Naga City Police Office, nangyari ang panghohold-up bandang alas 7 ng umaga ng Setyembre 5, nang biglang pumasok ang suspek na may takip ang mukha, nabigla naman ang bantay na empleyado na babae at natakot, kaya pumunta sa cashier.
Nagdeklara ng hold up ang suspek, “buksan mo ang kaha dai ka para ribok”.
Ang suspek ay medium built, naka gray jacket, with color pink green full face bonnet.
Tinangay ang perang nagkakahalaga ng nasa P4, 000.00 pagkatapos umalis na.
Ang pangyayari ay iniimbistigahan na ng pulisya.