Panghuhuli ng lobster sa Poblacion ng Roxas, bawal na-Bantay Dagat

Ipinagbawal na simula nitong nakaraang Linggo ng Bantay Dagat ang paglalagay ng mga trap na panghuli ng lobster sa karagatan ng Barangay Poblacion sa Roxas, Palawan.

Ayon sa Head ng Bantay dagat na si Bong Libiran, dahil sa pang-aabuso ng ilang mangingisda ay ipinagbawal na muna paghuhuli ng lobster fry.

Aniya, iniiwan na lamang kasi ng nagla-lobster ang kanilang inilatag na mga trap sa katubigan na mahigpit na ipinagbabawal.

Paglilinaw naman ng opisyal na epektibo lamang ang nasabing kautusan sa karagatang sakop ng Poblacion.

Samantala, barangay naman ang mananagot sa batas sa oras na hindi sumunod ang kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *