Pangulong Bongbong Marcos, nilagdaan na ang P5.268 Trillion 2023 National Budget

Itinuturing umano ni Pangulong Bongbong Marcos bilang isang magandang regalo para sa kaniya at ng lahat ng mga Pilipino ang P5.268Trillion 2023 National Budget.

Sa kanyang talumpati matapos niyang lagdaan ang 2023 General Appropriations Act, sinabi ni Marcos na isang ‘fine Christmas gift’ mula sa Lehislatura ang naturang batas.

Kung matatandaaan, ito ang kauna-unahang Budget Act na nilagdaan ni Marcos mula nang siya ay maupo sa puwesto.

Pinasalamatan ni Marcos ang dalawang Kapulungan ng Kongreso, pati na rin ang Department of Budget ang Management para sa mabilis na pagpasa ng Pambansang Pondo.

Aniya, ito na raw ang isa sa mga pinakamabilis na passage ng isang National Budget dito sa Pilipinas.

Idiniin ng punong ehekutibo na ‘essential’ ang budget para makamtan ang road map ng pamahalaan, lalo na ang kinakailangang pondo para sa post-pandemic economic recovery.

Sa ilalim ng pondo, pinakamalaki pa ring nakakuha ng allotment ay ang education sector, na sinundan ng public works, health, social welfare, agriculture, at transportation.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *