Pangulong Duterte, hindi seryoso noon sa pagkansela ng VFA ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi naman talaga seryoso noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkansela ng Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa isang panayam ay natanong kay Lorenzana na kung ang rason ba ng kanselasyon ng Pangulo sa termination ng VFA ay dahil ba sa dami ng donasyong bakuna ng naturang bansa.

Ayon sa kalihim, posibleng totoo na binawi ng Pangulo ang kanselasyon ng VFA dahil sa dami ng donasyong bakuna ng US.

Gayunman, sobra-sobra na ang suplay ng Amerika sa bakuna na dahilan kung bakit kaya nito maging mapagbigay sa buong mundo.

Anya, kung diterminado ang Punong Ehekutibo na kanselahin ang VFA, ay dapat hinayaan niya na lamang nito na lumipas ang 180 araw bago ito mag-lapse.

Matatandaan na sinuspinde ng Pangulo ang proseso ng abrogation ng ilang ulit noong 2020.

Noong July 30 naman ay inanunsyo ni Lorenzana na pinababawi na sa mga opisyal ng Pilipinas ang notice of termination ng VFA na naipasa sa Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *