Pangulong Duterte, kinilala ang serbisyo ng mga frontliners sa gitna ng pandemya ngayong Labor Day

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga frontliners sa gitna ng hamong dala ng COVID-19 pandemic sa bansa. 

Sa kanyang Labor Day message, binanggit ng pangulo ang health care workers at essential frontliners para sa kanilang di matatawarang commitment sa pagtiyak sa walang sawang pagbibigay ng serbisyo at produkto para patuloy na suportahan ang mga komunidad at industriya ngayong may health crisis. 

Sinabi ng pangulo na magdodoble kayod pa ang administrasyon gaya ng ginagawa ng mga manggagawa para matiyak ang ligtas at stable na work environment kung saan di lamang isinusulong ang karapatan ng mga manggagawa kundi pati na rin ang pagpapahalaga sa pundasyon ng matatag na workforce. 

Samantala, kinilala naman ni Vice President Leni Robredo ang kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa lipunan sa buong kasaysayan. 

Ayon sa bise presidente, ang pagdiriwang sa Labor Day ay di lang dapat para puriin at kilalanin ang sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino kundi gumawa rin ng konkretong aksyon para tugunan ang mga isyu na bumabagabag sa mga manggagawa. 

Kabilang na rito ang contractual labor, pang-aabuso sa migrant at local workers, at mga paghihirap na kaakibat nito ngayong may pandemic gaya ng limitadong transportasyon at kawalan ng hanap buhay.

Mababatid na dahil sa COVID-19 pandemic, pumalo sa 4. 2 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Pebrero 2021. 

Dahil sa pagsipa ng cases at muling pagpapaupad ng mas mahigpit na lockdowns dahilan para magsarado ang mga negosyo, nasa 1.5 milyon ang nawalan ng trabaho nitong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.