Pangulong Duterte pipili ng mga senatoriables na magtutuloy ng positibong pagbabago sa bansa – Go

Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na magkaisa at mas pagtibayin pa ang pagsuporta sa hangarin ng Duterte Administration na maibigay ang mas komportableng buhay para sa mga Pilipino.

Ayon kay Go ang mahalaga ngayon ay nakapili na ang partido ng bagong presidente sa isinagawang national assembly noong nakaraang linggo.

Muli naman inihayag ni Go ang kahandaan na maging mediator at pumagitna sa dalawang grupong nag-iiringan sa kanilang partido.

Kumbinsido ang Senador na nanatiling majority party ang PDP-laban at malakas pa rin ang partido.

Inihayag naman ni Go na isinasapinal pa ng partido ang senatorial line-up lalo’t maraming personalidad ang nagpahayag ng kagustuhan na tumakbo bilang senador sa ilalim ng PDP-Laban.

Tiniyak din ng senador na pipili si Pangulong Duterte ng mga senatoriables na makakatulong sa kanyang layunin na maipagpatuloy ang positibong pagbabago sa bansa, subalit sa ngayon nakapokus pa umano ang presidente sa paglaban kontra COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *