Pangulong Marcos at US President Biden, nagpulong sa New York

Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malakas na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng United States, pero sinabing maari pa naman umano itong ma-“redefined” sa maraming paraan.

Ito ang sinabi ni Marcos sa kanyang bilateral meeting kay US President Joseph Biden.

Ayon sa pangulo, kinikilala niya ang mahigit 100 taong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa na mag-evolve, pero ang mga bagong developments umano ay maaring mag-udyok para sa redefinition ng Pilipinas at US long-standing ties.

Sa panig naman ni President Biden, batid umano nito pagkakaroon ng “rocky times” ng Pilipinas at ng US indeed, pero ang kanilang relasyon ay nananatiling importante.

Bilang tugon, sinabi ni Marcos na ang Pilipinas at ang US ay laging magka-partner, magkaibigan at kaalyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.