Inihayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na plano ng gobyerno na magbigay ng tulong sa Syria kasunod ng magnitude 7.8 earthquake na lindol na tumama sa Turkiye at Syria noong nakaraang linggo.
Ayon kay Marcos, maghahanap sila ng paraan para matulungan ang naturang bansa, tulad umano sa ginawa ng pamahalaan para sa Turkiye.
Dagdag ng pangulo, na nakakatanggap sila ng mga ulat mula sa team ng Pilipinas sa Turkey na malala talaga at napakabigat umano ng pangyayari.
Dahil dito, maraming natulungan ang delegasyon ng Pilipinas para marescue ang iba pang mga biktima ng lindol.
Mababatid na ang Philippine Humanitarian Contingent na ipinadala ng Pilipinas sa Turkiye para tumulong sa search, rescue, at evacuation operations, ay nakatalaga sa para magsagawa ng structure assessment sa mga bumagsak na gusali at iba pang establisyemento gaya ng mga satellite field hospital.