Pangulong Marcos humarap sa Filipino Community sa Amerika

Humarap si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Filipino community kasabay ng US trip nito para dumalo sa 77th session ng UN General Assembly.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga kababayan sa New Jersey Performing Arts Center pinuri nito ang mga Pinoy sa Amerika dahil sa kanilang ambag sa ekonomiya.

Pinasalamatan din nito ang mga Pilipino dahil sa suporta ipinapakita sa kanyang administrasyon.

Inihayag naman ni Marcos na umaasa siyang makakadaupang-palad niya sa kanyang biyahe sa estados unidos si US President Joe Biden at iba pang world leaders.

Kasabay nito hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino sa Amerika na mag-invest sa Pilipinas upang makatulong sa economic recovery ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *