Pangulong Marcos, ibinasura ang panukalang mag-import ng 300,000 metric tons na asukal

Ibinasura ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na umangkat ng karagdagang 300,000 metric tons ng asukal.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, si Marcos ang chairman ng Sugar Regulatory Board at ibinsura niya ito ng walang certain terms.

Una nang sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na kailangan ng Pilipinas na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal para ma-stabilize ang presyo ng naturang commodity sa merkado.

Giit ni Evangelista, may kaulangan ng naturang produkto matapos masira ng Bagyong Odette ang sugarcane crops.

Batay sa datos ng SRA, kinumpirma ng Marcos-led Department of Agriculture (DA) noong July 20 na manipis na ang suplay ng asukal sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.