Pangulong Marcos, idineklarang special non-working holiday ang Dec 26

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Decemeber 26, 2022 bilang special non-working day sa buong bansa.

Ayon sa Office of the Press Secretary, nais ng Pangulo na mabigyan mabigyan ng pagkakataon ang publiko na ipagdiwang ang holiday kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Ang December 26 ay lunes, dahil dito, magkakaroon ng long weekend ang publiko.

Ang Araw ng Pasko, na pumapatak ng Linggo, ay isang regular holiday.

Inutusan ng punong ehekutibo ang Department of Labor and Employment na maglabas ng circular para ipatupad ang Proclamation No. 115 para sa pribadong sektor.

Samantala, sa ilalim ng Proclamation 90, na inilabas noong November 11, ang January  2, 2023, na papatak na Lunes, ay magiging  karagdagang special non-working day bilang pagsasaalang-alang sa tradisyon ng mga Pilipino sa pagbisita sa mga kamag-anak at paggugol ng oras sa kanilang mga pamilya matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *