Pangulong Marcos, kinilala ang kontribusyon ng mga magsasaka’t mangingisda

Pinasalamatan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga mangingisda at magsasaka para sa mga naging kontribusyon nito sa bansa, lalo na sa kanilang pagsusumikap para magkaroon ng mailalatag sa hapag-kainan ang mga Pilipino.

Sa pagdalo ni Marcos sa pagbubukas ng Agrilink/Foodlink/Aqualink 2022 sa Pasay City ngayong umaga, sinabi ni Marcos na ang mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura ay maituturing na mga bayani.

Aniya, ang pagpapalakas ng agriculture sector ay maihahambing sa pagpapatibay ng survival.

Tiniyak ng Pangulo na kaisa ng agri-sector ang Pamahalaan para makamit nila ang kanilang layunin at mga pangarap.

Bilang isang agricultural country – sinabi ni Marcos na isusulong niya ang mga hollistic na pamamaraan para mapalago pa ang naturang industriya.

‘The strengthening of the agricultural sector is the strengthening of survival; the strengthening of life. And that is how important we have always considered the agricultural sector.’ giit ng Pangulo.

Sinabi pa ni Marcos na sisikapin nitong abutin ang target na wala nang nagugutom na mga Pilipino.

‘Huwag po nating kalimutan ang ating pangarap para sa ating mga minamahahal na kababayan — (na) sana, wala nang gutom na Pilipino’ ani Marcos.

Muli namang ibinida ni Marcos ang mga napagtagumpayan ng liderato ng Department of Agriculkture kabilang na ang pagkakaloob ng P1.54Billion na quick response fund sa mga magsasakang tinamaan ng mga sakuna.

Nakapamahagi na rin daw sila ng iba’t ibang mga kagamitang pangsaka, kasama na rin ang mga makinarya, abono, mga buto, at iba pa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *