Pangulong Marcos, kumpyansa sa liderato ni bagong Malaysian PM Anwar Ibrahim

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos kay reformist opposition leader Anwar Ibrahim para sa pagka-appoint nito bilang bagong Prime Minister ng Malaysia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na pinararating niya ang kanyang personal at opisyal na pagbati kay Ibrahim na tinuturing niyang “good friend”.

Inaasahan ni Marcos na ang pamumuno ni Anwar ay magbibigay ng tatag hindi lamang sa Malaysia, kundi sa iba pang karatig rehiyon.

Tinuldukan ng pagkakatatag kay Anwar ang hindi pagkakasundo sa politika matapos ang inconclusive polls.

Si Anwar ang ika-10 Prime Minister ng Malaysia.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *