Pangulong Marcos, nakasungkit na ng 22million US Dollar na investment sa Indonesia

Tinatayang nasa 22 million US Dollar investment na ang nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos sa Jakarta, Indonesia.

Resulta ito ng pakikipag pulong ng Pangulo sa mga top executives sa sidelines ng nagpapatuloy na 43rd ASEAN Summit.

Ang nasabing investments ay may kinalaman sa animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity.

Isa sa nakausap ni Pangulong Marcos ang PT Vaksindo Satwa Nusantara, na naglalayong mamuhunan sa bansa para sa pagbuo ng bakuna laban sa avian influenza.

Samantala, magtatagal naman hanggang bukas ang 43rd ASEAN Summit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *