Pangulong Marcos, nakausap na ang pamilya ng dalawang nasawi sa Israel

Naka usap na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamilya ng dalawang nasawi sa Israel.

Sa social media account ni Pangulong Marcos, inamin nitong ang pagtawag kagabi sa mga kaanak ang pinaka mahirap na tawag na ginawa nito bilang Presidente.

Kaisa anya ng mga naulilang pamilya ang buong bansa sa pag luluksa at pagdadalamhati.

Nangako rin ang Pangulo ng suporta sa pamilya ng dalawang nasawi at sinabing patuloy na itataguyod ng bansa ang kapayapaan.

Una nang binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos na mabigat sa dibdib nito nang mabalitaan ang pagkasawi ng mga biktima dahil sa Israel-Hamas conflict.

Sa ulat ng embahada ng Pilipinas, isang 33-anyos na babae mula Pangasinan, at 42-anyos na lalaki mula Pampanga ang mga napatay na Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *