Pangulong Marcos, nanindigang hindi na itutuloy ang chopper deal sa Russia

Nakahanap na ng alternatibong supplier ang Pilipinas matapos umatras sa chopper deal sa Russia.

Sa pagharap ni Pangulong Bongbong Marcos sa media, kanyang kinumpirma na wala na itong balak pang buhayin ang agreement sa Russia sa kabila ng una nang downpayment na binayaran ng pamahalaan.

Sisikapin naman daw nilang mabalik ang kahit na maliit na porsyento mula sa downpayment na una nang nabayaran ng Gobyerno.

Matatandaaang hinikayat kamakalawa ni Russian envoy Marat Pavlov ang Gobyerno na ituloy ang deal.

Una na ring nag-alok si United States Ambassador MaryKay Carlson ng tulong sa Pilipinas para unti-unting mabayaran ang downpayment ng Pilipinas sa Russia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *