Pangulong Marcos, sesertipikahang urgent ang E-Governance Act

Nangako si President Ferdinand Marcos Jr. na sesertipikahan ang panukalang E-Governance Act of 2022 bilang urgent.

Ayon sa Private Sector Advisory Council (PSAC), ang certification bilang urgent sa E-Governance Act ay mahalagang hakbang para sa tamang direksyon tungo sa pagiging digital nation.

Kaugnay nito, sinabi ni Henry Aguda, PSAC Digital Infrastructure Sector Lead and Union Bank of the Philippines (UnionBank) Chief Technology and Operations officer na nahihimok umano sila sa commitment ng pangulo para mahulma ang future-ready nation at umaasang makikita ang positibong epekto nito para sa bawat Pilipino.

Sa oras na maisabatas, madi-digitalize na ang mga serbisyo sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno.

Iminumungkahi rin dito ang pagbuo ng service portal kung saan maaring makapagsagawa ng transaksyon ang publiko sa mga ahensya, at para makapagsagawa ng business sa pamamagitan online ang mga ahensya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *