Pangulong Marcos, tinanggap ang mahigit 30 donasyong sasakyan mula sa Toyota

Nagpasalamat si Pangulong Bongbong Marcos sa mga kontribusyon ng kumpanyang Toyota Motor Philippines at sa pagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino.

Sa pag bisita kahapon ng Pangulo sa Toyota Manufacturing Plant sa Sta Rosa Laguna para sa ika-35th anniversary ng naturang kompanya, personal na tinanggap ng Pangulo ang 35 bagong sasakyan na donasyon para sa Office of the President.

Kabilang dito ang sampung unit ng Hi-ace ambulance, 5 units ng Lite Ace Pickup, 5 units din ng Innova, 5 rin ang Vios, 3 units ng Yaris Cross, 5 lite ace cargo at dalawang customized coaster para sa Lab For All program ng tanggapan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Mismong si Toyota Chairman Akio Toyoda ang nag-turn over ng mga susi kay Pangulong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *