Pangulong Marcos, tiniyak ang mas malakas na relasyon ng Pilipinas at India

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas malakas at magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at India.

Ito ay kasunod ng kanyang pakikipag-usap sa punong ministro ng India na si Narendra Modi.

Ayon kay Marcos, nagagalak siya na makausap sa telepono ang prime minister ng India at naniniwala siya na may magandang indikasyon ito sa relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, kasabay nito ay ibinahagi rin ni Marcos ang mga napag-usapan sa kanyang ika-apat na Cabinet meeting kasama ang mga miyembro ng Samahang Industriya ng Agrikultura.

Sa natirang pulong, pinag-usapan umano ang mga gagawing hakbang at programa ng gobyerno para matulungan ang mga agrarian reform beneficiaries sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.