Pangulong Marcos, titiyaking may dalawang buwang buffer stock ng asukal sa bansa

Papanatilihin ng gobyerno ang dalawang buwang buffer stock ng asukal upang matiyak na sasapat ang reserba ng naturang produkto sa bansa.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, malalaman ng publiko na hindi magkaka-shortage sa asukal ang Pilipinas dahil palaging mayroong two-month buffer stock.

Samantala, ibinahagi ni Marcos na kailangan na nilang magkaroon ng mga plano at ideya para tugunan ang nangyayaring talamak na smuggling ng agricultural products.

Paliwanag niya, magiging malaking tulong sa pagresolba nito ang digitalization sa Bureau of Customs (BoC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *