Pangulong Marcos tutulak na pa-Japan ngayong hapon para sa kanyang 3-day state visit

Nakatakda nang tumulak si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. papuntang Japan ngayong hapon.

Inaasahan magkakaroon ng departure statement ang Pangulo na susundan ng departrure honors sa Villamor Airbase bago tuluyang sumakay sa presidential plane PR001.

Ang naturang biyahe ay bilang pagpapaunlak ni Marcos sa imbetasyon ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Layon ng official working visit na ma-maximize ang full potential ng Philippine-Japan strategic partnership sa aspeto ng defense, security, political, economic, at people-to-people ties.

Una nang ibinahagi ng Department of Foreign Affairs na pitong mga key bilateral agreements ang inaasahang malalagdaan na may kinalaman sa infrastructure development, defense, agriculture, at information and communications technology na pasok sa priority agenda ni Pangulong Marcos.

Mag-uumpisa naman ang official activities ng Pangulo bukas February 9 kung saan kasama sa kanyang mga aktibidad ang pakikipagkita sa Filipino community sa Tokyo bago ito bumalik ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *