Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahang magpapartisipa sa Asia-Europe meet

Magpapartisipa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng video conference sa 13th Asia-Europe Meeting (AESM) Summit, na nagsimula kahapon, at inaasahang tatakbo hanggang ngayong araw.

Ayon sa MalacaƱang, makakasama ng Pangulo ang mga counterparts nito mula Asya at Europa kung saan ay pag-uusapan ang tungkol sa multilateralism, growth, at sustainable development.

Mababatid na ang ASEM ay isang informal dialogue process na kinabibilangan ng 53 partners mula sa Europa, Asya, EU at ng ASEAN Secretariat.

Layon nito na mapagtibay ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang rehiyon sa tulong ng mutual respect at equal partnership.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *