Pangunahing proyekto ng LGU Camalig ang Malawakang kampanya ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga taga Camalig, Albay

Legazpi City- Nais ng LGU Camalig Albay na palawakin ang marating ng kampanya ng bakuna kontra covid 19 lalo na sa mga malalayong barangay nito.

 Sa pangunguna ng municipal health office (MHO) Nais ng vaccination team kung maari lahat ay ma bakunahan kontra covid 19. Mga residente ng brgy Palanog ng nasabing munisipyo ay nakakuha ng pangunang dose ng bakunang Gamaleya Sputnik V mayroong tatlong daan nobentay otso (398) na residente sa nasabing barangay may edad 18 anyos pataas ang nabigyan ng nasabing bakuna.

 Target ng LGU CAMALIG, municipal health office na mapataas pa ang numero na mabibigyan ng bakuna kontra covid 19. Update ang Camalig, Albay ay may na 512 confirmed COVID-19 cases kasama ang 470 recoveries, 32 deaths, and 10 currently active cases

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *