Panibagong 20k doses ng bakuna inilaan sa Camarines Sur

NAGA CITY- Dumating na sa Bicol ang mahigit 67K bagong doses ng CoronaVac mula sa Sinovac ng China Biyernes ng tanghali kahapon, ito na ang ika-apat na batch ng CoronaVac na dumating sa rehiyon.

20K doses ang nakalaaan para sa lalawigan ng Camarines Sur, hiwalay pa rito ang nakalaang 2, 740 doses para sa Naga at mayroon ding 1,000 para sa Bicol Medical Center.

Tuloy-tuloy ang vaccination roll out lalo pa’t tumataas ang bilang ng hawaan ng virus sa probinsya.

Umabot naman sa 16, 714 ang nabakunahan sa Camarines Sur.

Kahapon ay nakapagtala ang lalawigan ng 106 bagong kaso kabilang dito ang 12 naitalang infections sa Naga City base sa record ng DOH Bicol. Pinakamataas pa rin ang buong lalawigan sa single day record kumpara sa ibang mga probinsya.

Samantala nitong nagdaang araw, isang reinfection ang nangyari sa taga Pandan Cabusao o muling nagkasakit ang dati nang nakarecover dito.

Ayon kay Dr. Ferchito Avelino, ang Assistant Regional Director ng DOH Bicol, hindi naman kasi nangangahulugan na nagka COVID na ay ligtas na sa parehong virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *