Panibagong batch ng 1 milyong doses ng Sinovac vaccine, dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang isa pang milyong  doses ng Sinovac vaccine mula sa Beijing  China..

Sakay ng  Cebu Pacific flight 5J-671 ang mga bakuna at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport kaninang alas-7:07 ng umaga.

Kabilang sa mga opisyal ng bansa na sumalubong  sa mga bakuna ay sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr at Health Undersecretary Maria Carolina Vidal habang wala nang kinatawan ng Chinese embassy  na nakasanayang kasama sa mga sumasalubong

Idineretso ang mga bakuna sa storage facility sa Marikina city.

Una nang dumating kahapon ang 249,600 doses ng Moderna vaccine na kauna-unahan nang  batch ng  nasabing  brand na dumating   sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *