Panibagong batch ng Sinovac at Astrazeneca COVID-19 vaccines na dumating sa Bicol, para sa mga nasa A1 at A2 priorities

BNFM BICOL—Panibagong batch ng COVID-19 vaccines ang dumating sa rehiyon Bicol kahapon para sa nagpapatuloy na vaccination rollout.

Pasado alas 11 ng tanghali nang lumapag sa Legazpi City Airport ang eroplano lulan ang nasa 62,640 doses ng mga bakunang gawa ng Sinovac at Astrazeneca.

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, 39,000 doses nito ang mula sa AstraZeneca habang 23,640 doses naman ang Coronavac na mula sa Sinovac ng China.

Gagamitin ito para sa second dose ng mga frontliners na nasa A1 priority o mga health workers at ang natitira ay para naman sa una at second dose ng mga nasa A2 priority o mga senior citizens.

May ilan kasing mga senior citizens ang naturukan na gamit ang mga naunang dumating na bakuna. Ito na ang ikaanim na batch ng mga bakunang dumating sa rehiyon, pang apat na batch ng Sinovac at pangalawa naman sa AstraZeneca.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *