Panibagong pangalan ng monkeypox, ilalabas ng WHO

Inanunsyo ng World Health Organization (WHO) na ilalabas nila ang panibagong pangalan para sa sakit na monkeypox.

Ayon sa WHO, pinag-aaralan na nila kasama ng ilang partners at eksperto mula sa iba’t-ibang bansa ang magiging bagong tawag dito.

Nasa 29 na mga scientists ang nagsabing ang usapin ito ay ‘urgent need for a non-discriminatory and non-stigmatizing nomenclature’.

Samantala, umabot na sa 2,100 ang naitalang kaso ng monkeypox sa buong mundo kung saan marami ang nag-positibo sa Europe. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.