Paninisi sa More Power sa nangyaring malawakang blackout sa Panay, wala raw basehan

Itinuturing lamang ng More Electric and Power Corporation (More Power), ang power distribution utility sa Iloilo City, bilang simpleng akusasyon na walang basehan ang naunang pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na dapat managot ang kumpanya sa naranasang malawakang blackout sa Panay Island.

Sinabi ni More Power President at CEO Roel Castro na mahirap daw sagutin ang bintang ni Rep. Castro lalo at wala itong basehan.

Bagamat una nang tinukoy ng Depatment of Enegy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na syang may pagkukulang sa nangyaring blackout, ay tanging si Rep Castro lang umano ang nag-isyu ng statement na dapat din isama sa mananagot sa insidente ang More Power.

Sa ginawang imbestigasyon ukol sa isnidente sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ang dapat sisihin sa insidente ay ang ang power grid operator o ang NGCP.

Ipinaliwanag ni More Power President Castro na bagamat hindi maiiwasan na may ilang mga disturbances o problema sa system ay posibleng naiwasan sana ang pagcollapse nito at nangyaring total blackout kung agad nagkaroon ng pag-aksyon ang NGCP.

Aniya, alas-12:00 ng tanghali noong January 2 ay nasa 83 megawatts ang nawala mula sa grid system dahil nagkaroon ng shutdown ang isang planta, dapat naagapan ito subalit ang sumunud na nangyari ay nagkaroon ng sunud-sunud na shutdown ang 6 pang planta.

Aminado naman si More Power Executive Castro na sa peak ng El Nino Phenomenon ay posibleng maulit kaparehas na insidente kung mabibigo muli ang NGCP na proteksyunan ang buong grid system.

Sinabi pa ng opisyal ng More Power na patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon sa NGCP para sa pagbabalik ng kuryente sa mga residente ng Iloilo City, sa ngayon ay nasa 48 hanggang 50% pa lamang ang kayang alokasyon ng NGCP kaya naman nasa 50% pa lamang ang nabibigyan ng kuryente sa peak demand at nakakaranas pa rin ng rotational brownout sa probinsya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *