Panukala na kontra sa candidate substitution tuwing papalapit ang eleksyon, inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang ilang paukala na nagbabawal sa substitution ng isang electoral aspirant na boluntaryong aatras sa kandidatura nito para sa darating na eleksyon.

Inihain ni Senator Sherwin Gatchalian ang nasabing panukala habang nagsilbi naman bilang co-authors nito sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Nancy Binay, Grace Poe, at Joel Villanueva.

Mababatid na pinapayagan sa ilalim ng Omnibus Election code ang substitution para sa official candidate ng rehistradong partido, na nasawi, nadiskwalipika, o anuman dahilan upang mag-withdraw ito mula sa halalan.

Pero ayon kay Gatchalian, ilang taon na rin naabuso ang patakaran sa substitution.

Giit ng Senador, tila ay nagiging kabastusan na ito  sa proseso ng pagpa-file ng certificates of candidacy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *