Panukalang batas na magbibigay ng 2k monthly pension sa mga indigent PWDs, isasalang  sa debate sa plenaryo sa senado sa Enero

Isasalang sa debate sa plenaryo sa senado ngayong Enero ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng P2,000 buwanang pensiyon sa mga indigent persons with disabilities.

Ipagtatanggol ng sponsor ng Bill na si Sen. Imee Marcos ang panukala kung saan kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas sina Senador Risa Hontiveros, Lito Lapid, Ronald dela Rosa, at Ramon Revilla, Jr.

Sa ilalim ng Senate Bill 1602 o ang “Disability Support Fund Act,” isang “initial amount” na P2,000 ang ibibigay bilang buwanang stipend sa bawat PWD sa isang mahihirap na pamilya.

Ito ay ibibigay kasabay ng kasalukuyang social protection at mga diskuwento na tinatamasa ng nasabing sektor.

Saklaw ng iminungkahing pensiyon ang mga PWD na may physical, mental, ntellectual ay sensory impairments.

Samantala, pagmumultahin ng mula P50,000 hanggang P100,000 ang mga indibidwal na mapapatunayang sinasamantala ang batas, tulad ng mapanlinlang na pagsasabi na indigent ang aplikante ng PWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *