Panukalang batas na magbibigay ng permanent validity ng birth, death at marriage certificates, aprubado na ng Senado

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magbibigay bisa na gawing permanente na ang validity ng mga pangunahing dokumento tulad ng birth at death certificate maging ang marriage certificates.

Sa botong 21-0-, inaprubahan na ng mga Senador ang Senate Bill 2450 o ang Permanent Validity of the Certificates of Liver Birth, Death, and Marriage Act.

Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ng permanent validity ang mga nasabing dokumento kung saan pupwedeng magamit kahit anong date na-issue at tatanggapin sa private o sa mga government transaction bilang patunay sa identity at status ng isang tao.

Dagdag pa dito, magagamit lamang ang validity ng certicate of marriage kung hindi pa ‘judicially decreed annulled’ o hindi pa napapawalang bisa ang kasal ng mag-asawa.

Kapag naisabatas na ang panukala, maaaring makulong ng isa hangang anim na buwan at mapagmulta ng hindi bababa sa P5,000 at hindi hihigit sa P10,000 ang sinumang mapapatunayan na lumabag dito.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *