Panukalang Eddie Garcia Act, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 1270 o panukalang Eddie Garcia Act sa botong 240-0-0.

Nilalayon ng HB 1270 na mabigyang proteksyon ang mga manggagawa o independent contractors sa film, television, at radio entertainment industry.

Ang panukalang batas ay ipinangalan sa beteranong aktor na si Eddie Garcia na pumanaw noong 2019 matapos magtamo ng neck injury habang nagsho-shoot para sa television series

Sinabi ni House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez na sasaklawin ng panukala ang libu-libong tao na nagtatrabaho sa entertainment industry at sisiguraduhin na patuloy silang magkakaroon ng magandang trabaho at mapoprotektahan laban sa pang-aabuso, harassment at pagsasamantala.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *