Panukalang maagang pagboto ng mga kuwalipikadong senior citizens at PWDs  aprubado na sa Kamara

Aprubado na sa kamara ang panukalang batas na nagtatakda ng maagang pagboto sa mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), mga abogado, at human resources for health sa national at local elections.

Sa botong 259 na pabor at walang tumutol o nag abstein, inaprubahan ng Kamara ang HB 7576 sa ikatlo at huling pagbasa.

Layon ng panukalang batas na bigyan ng konsiderasyon ang kalusugan at kalagayan ng mga lolo at lola maging ng mga PWDs na nais makibahagi sa proseso ng halalan.

Ikinalugod naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapatibay nito  lalo’t mabebenepisyuhan nito ang mga nakatatanda, mga PWDs at mga manggagagwang nagkakaloob ng serbisyo sa publiko.

Kapag naging ganap na batas ang HB 7576, ang mga botanteng nabanggit ay kailangang magpatala sa nationwide registration ng Commission on Elections o Comelec kung nais nilang makaboto ng mas maaga.

Ang mga kuwalipikadong botante ay maaaring bumoto ng pitong araw bago ang itinakdang eleksyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *