Panukalang magpapalit ng pangalan ng isang kalsada sa QC sa FPJ, ikinatuwa ni Lovi Poe

Ikinatuwa ng aktres na si Lovi Poe ang unanimous decision ng Senado na aprubahan ang pagpalit sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City kung saan ay isusunod ito sa FPJ na palayaw ng yumaong ama niya na si Fernando Poe Jr.

Pumabor sa panukala ang 22 senador, habang nag-abstain naman si Senator Grace Poe na anak ni FPJ.

Sinabi ni Lovi sa isang pahayag, “Papa has really been always for the people. This is a nice way of honoring his memory, for the younger generation to get to know his name and remember him for the years years to come,”

Matatandaan na pumanaw ang aktor na tinaguriang “Da King” o hari ng mga pelikulang Pilipino noong Disyembre ng 2004, na ilang buwan lamang ang lumipas matapos ang pagkatalo nito sa presidential elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *