Panukalang magtatatag ng College of Medicine sa Southern Luzon State University, aprubado na sa huling pagbasa ng Kamara

Lusot na sa huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukala na magtatatag ng isang medical school sa Southern Luzon State University sa Lucban, Quezon.

Pinuri ni Quezon 4th District Representative at Health Committee Chair Angelina “Helen” Tan ang mabilis na pagtugon ng kanyang mga kapwa mambabatas para maaprubahan agad ang nasabing panukala na siya mismo ang may-akda.

Aniya, malaking tulong ang pagtatayo ng medical school sa nasabing unibersidad para tugunan ang kakulangan ng mga doktor sa bansa.

Layon ng House Bill 7857 na magkakaroon ang SLSU ng Doctor of Medicine Program na four-year baccalaureate program na bubuuin ng basic science at clinical course para sa professional physicians sa Philippine healthcare system.

Ang nasabing panukala ay naka-angkla sa National Health Human Resource Master Plan na nakadisenyo para sa akmang estratehiya sa recruitment, retraining, regulation, retention at reassessment ng heath workforce batay sa pangangailangan ng populasyon ng bansa. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *