Panukalang naglalayong suspendihin ang Mother Tongue bilang medium ng pagtuturo sa mga bata, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 6717 o ang panukalang naglalayong suspendihin ang Mother Tongue bilang medium ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.

Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture chairperson Pasig Rep. Roman Romulo, kailangan nang masusupindi ang paggamit sa mother tongue dahil hindi naman sapat ang mga educational materials na nakalimbag para rito.

Kasabay nito, inatasan na ang Department of Education (DepEd) na makipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino para makagawa at makapaglimbag ng mga aklat na nakasalin sa mother tongue.

Sa ilalim ng naturang panukala, nakasaad din ang paglalaan ng hindi bababa sa 1% ng annual DepEd budget para sa pagpapatupad ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *