Panukalang nagpapahintulot sa mga misis na gamitin ang pangalan sa pagkadalaga, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang nagpapahintulot sa mga kababaihan na na gamitin ang pangalan sa pagkadalaga kahit may asawa na

Ang House Bill 4605, na naglalayong amyendahan ang Civil Code of the Philippines o Republic Act 386, ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga kasal na babae ay maaaring gamitin ang kanyang maiden first name at surname na daragdagan ng apelyido ng kanyang mister; ang kanyang unang pangalan at ang apelyido ng kanyang mister; o ang buong pangalan ng kanyang mister at lalagyan lamang ng prefix sa unahan gaya ng “Mrs.”

Ipinakilala ng panukala ang option para sa mga babaeng may asawa na ipagpatuloy ang paggamit ng kanyang umaiden first name at surname.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *