Panukalang P213. 5 milyon Annual Budget ng LGU Basud para sa 2023 isinumite na ng Executive Department sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Isinumite na ng Executive Department sa Sangguniang Bayan ang  panukalang P213, 552, 529.00 na Annual Budget ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte para sa taong 2023.

Mas mababa ito ng 13. 85 percent kumpara noong 2022 dahil sa pagbaba ng National Tax Allocation bunsod na rin ng epekto ng COVID- 19 pandemic at implementasyon ng Mandanas ruling.

Batay sa budget message ni Mayor Adrian Davoco ang pagbaba ng annual budget para sa Fiscal Year 2023 ay nangangahulugan ng paghihigpit sa pagbaba- budget sa kabila ng malaking gastusin at responsibilidad na nakaatang sa LGU dahil sa devolution.

Pinakamalaki pa rin ang allocation ng budget sa General Public Services na mayroong 109, 529, 116.00 o 50. 35 percent ng total General Fund Budget for 2023.

Nakapaloob sa General Public Services ang Personnel Services (PS) na may allocation na P47, 379, 505.00, Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na may 58, 349, 611.00 at Property Plan and Equipment  (PPE) na may budget allocation na P1, 755.000.00

Ang mga opisina na may pinakamataas na total allocations sa ilalim ng General Public Services ay ang Municipal Mayor’s Office na may P54, 032, 158 pero mas mababa ng 8. 55 percent kumpara noong Fiscal Year 2022, gayundin ang Sangguniang Bayan na may allocation na nagkakalahaga ng P23, 498, 519.00 na may pagbaba naman ng nasa 10. 48 percent.

Ang iba pang components ng annual budget ay ang Economic Services na may 48, 513, 029.00 o 22. 72 percent  ng annual budget.

Habang ang Social Services ay mayroong 42, 252, 113.00 o 19. 79 percent at ang other services ay mayroong 15, 258, 271 o 7. 14 percent ng annual budget.

Wala pang schedule na ibinibigay ang SB para sa budget hearing ng iba’t- ibang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *