Panunumpa ng mga bagong myembro ng Partido Federal ng Pilipinas, pinangunahan ni PBBM

Nanumpa na kaninang umaga ang mga bagong myembro ng Partido Federal ng Pilipinas, na ginanap sa Heroes Hall sa MalacaΓ±ang palace.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nanguna sa panunumpa ng mga bagong myembro, bilang kanila ring national chairman.

Kabilang sa mga nanumpa ay si Presidential son at Iloco’s Norte 1st District Representative, Sandro Marcos.

Sa mensahe naman ng Pangulo, sinabi nitong mahalaga sa isang partido na may sinusunod na ideyolohiya at central principle.

Target din ng ngayon ng PFP na kausapin ang iba pang political party at magkaroon ng kasunduan para patibayin ang kanilang grupo.

Dahil ayon pa sa Pangulo mahalaga ang governance sa pagpapatakbo ng bansa, kesa sa pamumulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *