PAO dinadagsa ng autopsy requests mula sa kamag-anak ng mga hinihinalang namatay dahil COVID-19 vaccines

Kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na marami ang lumalapit sa kanilang tanggapan para ipa-autopsy ang kanilang mahal sa buhay sa paniniwalang namatay ang mga ito dahin sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Acosta tinatangihan nila ang mga request ng mga kamag-anak dahil malinaw umano sa batas na wala namang pananagutan ang mga vaccine manufacturers kahit anong mangyari sa mga naturukan ng bakuna.

Kinastigo din ng PAO chief ang umiiral na ‘no vaccination, no ride’ policy na tahasan umanong paglabag sa contitutional right ng isang Pilipino.

Sinabi ni Acosta na nakasaad sa Bill of Rights section 1 na walang sinuman ang pagkakaitan ng kanyang buhay, karapatan at kalayaan na hindi dumadaan sa tamang proseso ng batas.

Nilinaw naman ni Acosta na naiintindihan niya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nais lamang nito na mailigtas ang taumbayan mula sa kasalukuyang pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published.