Paolo Contis, “unbothered” sa mga pambabatikos ng publiko

Hindi umano apektado si Paolo Contis sa kung ano ang iniiisip ng publiko sa kanya.

Si Paolo ang naging target ng pinakamatinding batikos sa nakalipas na taon kasunod ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes.

Naniniwala si Contis na ang mga issues na kailangan niyang harapin ay personal at kailangan niya itong ayusin nang pribado.

Samantala, hindi rin nakaiwas si Contis sa mga tanong tungkol kay Yen Santos na dati nang iniugnay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Reyes.

Sinabi niya na “what you see is what you get” dahil marami umanong bagay na hindi dapat pakialaman ang publiko.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *