Paracale unang destinasyon ng Diskwento Caravan ng DTI ngayong taon

CAMARINES NORTE- Dadayo ang rolling store o Dikswento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa bayan ng Paracale, Camarines Norte sa Hunyo 10.

Ayon kay  Consumer Protection Division Head Alvin Sayno ng DTI Camarines Norte, ito ang kanilang unang detsinasyon ngayong taon na gagawin sa tapat ng munisipyo.

Maliban sa Paracale, mag- iikot din ang DTI rolling store sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte upang ilapit sa mga tao ang murang bilihin.

Ayon kay Sayno, isa umano itong aktibidad ng ahensiya na naglalayong kahit papano ay maibsan ang bigat na nararamdaman ng mga consumer dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Mula sampu hanggang tatlumpung porsiento ang discount sa Diskwento Caravan na malaking tulong sa mga konsyumer dahil hindi na nila kakailanganing bumiyahe ng malayo at gumastos ng pamasahae para lang makabili ng iba’t- ibang produkto sa murang halaga.

Bitbit ng DTI ang mga kumpanya na magbebenta ng mga grocery items, basic and prime commodities, food and non- food at iba pa.

Dalawang Diskwento Caravan umano ang target gawin ng DTI kada buwan sa iba’t- ibang bayan.

Dalawang araw naman na Diskwento Caravan ang gagawin sa bayan ng Daet sa buwan din ng Hunyo na bahagi ng aktibidad sa Pinyasan Festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published.