Paralisadong lalaki, muling nakalakad sa pamamagitan ng thought-controlled implants ​

Isang 40-anyos na Dutchman ang muling nakalakad sa pamamagitan ng thought-controlled implants.

Higit isang dekadang naparalisa ang binti ng pasyente na pinangalanan lamang na Gert-Jan matapos magtamo ng pinsala sa kanyang spinal cord sa isang bicycle accident.

Tinulungan siya ng mga reserachers mula sa France at Switzerland sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang implants na nagpanumbalik ng komunikasyon sa pagitan ng kanyang utak at spinal cord.

Umaasa ang mga researchers na magagamit din ang sistemang ito sa iba pang pasyente na may kahalintulad na kalagayan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *