CAMARINES NORTE – Ipinag- utos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Parent Leader na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mag leave of absence sa buong panahon ng election period upang hindi magamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa pulitika.
Ito ang inihayag ni OIC Pantawid Provincial Link Sheena Tad-o sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.
Ayon kay Tad- o nais ng DSWD na hindi magamit ng kandidatong Parent Leader ang kaniyang impluwensiya kaya mismong ang regional Office umano ang nag- utos na sila ay mag leave of absence.
Dahil dito ang kanilang alternate ang pansamantala munang tatayong parent leader.
Paliwanag ni Tad- o may posibilidad kasi na magamit ng isang parent leader ang kaniyang impluwensiya dahil kadalasang nasa 45 hanggang 80 benepisyaryo ang kaniyang hawak.
Kaya naman para hindi magamit ang programa sa pulitika ay mainam na maroon gawin ang DSWD.
Gayunman, obligado pa ring dumalo sa mga Family Development Session ang parent leader at dapat ma- comply ang mga kondisyon ng programa.
Pagkatapos naman ng election period ay pwede na ulit mag- function ang parent leader.
Pero may posibilidad rin umanong mag- exit ito sa programa kapag nanalo depende sa magiging assessment ng DSWD lalo na kung ito ay nakatawid na sa poverty line.
