Pari sinunog nang buhay ng mga bandido sa Nigeria

Sinunog ng mga bandido  ang isang Catholic church at dinukot naman ang lima pang inidibwal sa dalawang magkahiwalay na pag-atake sa central at northwestern Nigeria.

Nangyari ang insidente sa bahay mismo ng pari sa Kafin-Koro village sa Niger state.

Sa report ng pulisya, sinunog ang bahay ni Father Isaac  matapos na hindi niya papapsukin ang mga bandido.

SamantaLa, binaril at nasugatan naman ang isa pang pari na kinilalang si Father Collins habang sinusubukan niyang tumakas sa armadong grupo.

Narekober ang katawan ni Father Isaac habang si Father Collins naman ay agad na dinala sa ospital.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *