Paris Hilton, isa na ngayong ina sa isang baby boy

Ginulat ni Paris Hilton ang kanyang mga tagahanga matapos niyang ibalita na siya ay mayroon nang baby boy.

sa pamamagitan ng Instagram , ipinost niya ang isang litrato ng kanyang kamay na may hawak na mas maliit na kamay ng kanyang anak

“You are already loved beyond words,” isinulat niya sa caption na may asul na puso.

Ayon sa ulat , nagkaroon ng anak si Paris at ang asawang si Carter Reum sa pamamagitan ng surrogacy.

Sina Paris at Carter, na nagpakasal noong February 2021 ay nagkaroon ng kanilang “fairy tale wedding” noong Nobyembre ng parehong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *