Nagluluksa ngayon ang reality TV star na si Paris Hilton sa pagkamatay ng kanyang alagang chihuahua.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Paris ang litrato ng kanyang 23-taong-gulang na aso na si Harajuku.

“Words cannot express the immense pain I’m feeling right now,” saad ng kanyang post.
Dagdag pa niya , si Harajuku ay “more than just a pet”
Ayon sa entertainment portal na Page Six, nakilala si Hilton sa kanyang pagmamahal sa mga pint-sized na aso tulad nina Peter Pan at Tinkerbell.
Ang isa pa niyang chihuahua na pinangalanang Diamond Baby ay nawala noong September 2022. Nag-alok ng malaking reward si Paris para maibalik siya ng ligtas ngunit hindi na ito natagpuan.//CA