Parking Fee Exemption on the Initial Rate Ordinance para sa mga senior citizen at pwd sa Naga City, epektibo na ngayong araw

NAGA CITY – Simula ngayong araw, epektibo na ang Parking Fee Exemption on the Initial Rate Ordinance o City Ordinance 2023-101, para sa mga senior citizen at mga person’s with disability o PWD sa lungsod ng Naga.

Kung saan libre sa parking fee sa loob ng isang oras at discounted ng 20% kung humigit sa isang oras, sa mga malls at mga parking space ng mga establisemento,  nagmamaneho man na senior citizen at pwd o kaya pasahero lamang.

Ito ang napag-alaman kay City Councilor Jess Albeus, Committee Chair ng Human Rights, na isa sa binigyan niya ng diin, na hindi kompleto ang exemption dahil hindi kasama sa rise and benefits ng mga senior citizen o ang Republic Act 7432 na gawing buong araw na ililibre sila, maaapektuhan rin kasi ang mga establisemento lalo na sa kita sa parking spaces nila, lalo na’t ilang mga sasakyan din ang sinasamantala na iniiwan na lamang ng magdamag at binabalikan na lamang ng hapon.

Kailangan lamang ng Senior Citizen ID at PWD na ang address Naga City, o Valid ID basta nakatira sa Naga.

Dagdag pa ng opisyal, 20% o magpupurchase minimum P200.00, para sa 50 mga business establishment na may mababang parking fee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *